Home NATIONWIDE Romualdez, bumisita sa mga biktima ng Tacloban school shooting

Romualdez, bumisita sa mga biktima ng Tacloban school shooting

1
0

MANILA, Philippines  – Binisita ni Leyte Rep Martin Romualdez sa burol ng mga estudyanteng namatay sa madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Binisita rin niya ang mga nasugatan sa insidente.

​Personal na nakipagkita si Romualdez sa mga pamilya ng mga biktima nitong Hunyo 23, 2026, Martes ng gabi, para magdasal at magbigay ng pakikiramay sa pinakamalalang pamamaril sa paaralan sa bansa.

​“Nandito tayo para kumustahin at magbigay ng suporta sa kanilang panawagan para sa hustisya,” pahayag ni Romualdez.

​Ayon sa mambabatas, ang trahedyang ito ay nagdala ng matinding lungkot hindi lang sa mga pamilya kundi sa buong probinsya ng Leyte at sa buong bansa.

​Tiniyak nito sa mga pamilya na hindi sila nag-iisa sa kanilang pagdadalamhati at nangakong tutulong para makamit ang hustisya.

​Nagdasal din si Romualdez para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa krimen at nakiusap sa publiko na magsama-sama para suportahan ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya sa mahirap na panahong ito.

​Umasa rin si Romualdez na mabilis na makakamit ang hustisya at mas hihigpitan ang mga patakaran para hindi na muling mangyari ang ganitong mga trahedya sa mga paaralan at komunidad. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here