Home NATIONWIDE Romualdez, mananatili muna sa Cardinal Santos Medical Center

Romualdez, mananatili muna sa Cardinal Santos Medical Center

1
0

MANILA, Philippines – Mananatiling naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center si dating House Speaker Martin Romualdez hanggang sa may bagong utos ang Sandiganbayan Third Division.

Ayon kay Dr. Rosalio Torres, mataas ang panganib na atakihin sa puso si Romualdez at maaaring malagay sa panganib ang kanyang kondisyon kung ililipat siya, lalo na dahil mahalaga ang “golden hour” para sa agarang paggamot.

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y katiwalian sa mga flood-control project.

Hiniling naman ng prosekusyon na payagang suriin ng mga independent government doctors ang kondisyon ni Romualdez. Tinutulan din nito ang patuloy niyang pananatili sa ospital at iginiit na dapat siyang dalhin sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here