MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nasa Germany na si dating presidential spokesperson Harry Roque matapos tanggihan ng Netherlands ang kanyang hiling na asylum.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa Germany na ang desisyon kung tatanggapin ito.
Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking dahil umano sa pagkakasangkot sa POGO hub sa Porac, Pampanga.
Posibleng magsampa ng extradition case laban sa kanya, ngunit ayon kay Remulla, baka hindi na kailangan kung makansela ang kanyang pasaporte, na magreresulta sa pagiging undocumented alien at maaaring arestuhin ng Interpol.
Nilinaw ng DOJ na tanging korte lamang ang maaaring magdesisyon sa opisyal na pagkansela ng kanyang pasaporte. Habang ito ay hindi pa nagaganap, maaari pa rin siyang maglakbay sa loob ng European Union basta’t may bisa ang kanyang visa. RNT