Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, nangakong di na magjojowa!

Rufa Mae, nangakong di na magjojowa!

Manila, Philippines – Maraming bagay ang naglalaro sa isip ngayon ni Rufa Mae Quinto.

One thing’s for sure, hindi niya nahahanapan ng sagot ang mga ito.

In hot pursuit nga ang sexy comedienne by people wanting to get her side of her story.

Ang latest nga’y si Ogie Diaz sa YouTube interview nito.

Tahasang sinabi ni Rufa Mae na maging siya ay nanghuhula na lang din kung ano ang binabalak ng estranged husband na si Trevor Magallanes.

“Kanina tumawag siya, nagkausap kami. Siguro dahil may anak kami,” panimula niya referring to Trevor kung saan may isa silang anak, si Athena.

Despite the confusion, all that she knows ay hindi pa nakakapag-file ng annulment o divorce si Trevor.

But if it happens, labag man daw sa kanyang kalooban ay maluwag niyang tatanggapin.

“Siguro, ayaw na niya sa akin, o ayaw na niyang makunek ang pangalan ko sa kanya…ang buhay ko sa kanya. Hindi ko alam!”

Gayunpaman, inamin niyang “hopia” pa rin siya na magkakasundo sila.

“Sana, ganoon nga ang mangyari..,” pag-asam ni Rufa Mae.

Pero kung hindi, ang kawalan daw ng partner sa buhay niya ay hindi nangangahulugang atat siyang magkaroon uli.

”’Yung dyowa-dyowa, ayoko na! Si Trevor na ang huling lalaki sa buhay ko!” pagtitiyak niya.

Even people closely associated with Rufa Mae have the same prayer–na sana’y sa bandang huli ay sila pa rin ni Trevor.

Only then will Athena’s nagging question be answered: “When will our family be together again?” Ronnie Carrasco III