Home OPINION SA BAWAT “PAY-OUT” PROGRAM NG DSWD, BABANTAYAN NG COMELEC

SA BAWAT “PAY-OUT” PROGRAM NG DSWD, BABANTAYAN NG COMELEC

MATAPOS aprubahan ng Commission on Elections (CO­ME­LEC) ang “exemption” ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kabila ng pag-iral ng spending ban kaugnay sa nalalapit na midterm National and Local Elections sa May 12, 2025 ay binabalak ng kagawaran na imbitahan ang tauhan ng komisyon na saksihan ang mga pay-out na gagawin nito.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na mismong si COMELEC chairperson George Erwin Garcia ang siyang nagmungkahi nito upang maiwasan o mapigilan ang mga politiko at kandidato na samantalahin ang pamamahagi ng tulong na paglabag sa mga batas pang-eleksyon ng bansa.
Pagbibigay-riin ng kalihim, may mga mekanismong ipatutu­pad upang maiwasan ng “politic­king” sa mga programa at serbisyo ni­to, at may tagubilin na rin sa mga empleyado nito na sumunod sa mga patakaran na itinakda ng DSWD at ng CO­MELEC.

Ipaghaharap umano ng mga administratibong kaso ang mga tauhan ng kagawaran na mapapatunayang kasabwat ng mga politiko sa paglabag sa mga ali­tuntunin ng eleksyon.

Matatandaan na inapruba­han ng COMELEC ang kahilingan ng DSWD na i-exempt ang 28 na programa at serbisyo nito kabi­lang ang kontrobersiyal na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na sinasabing mala-pork barrel ng mga kongresista, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Prog­ram (4Ps), at Sustainable Livelihood Program (SLP)

Noong Miyerkules, inaprubahan ng Comelec ang kahilingan ng departamento na i-exempt ang 28 programa at serbisyo mula sa pagbabawal sa paggastos sa halalan.

Kasama rin sa mga progra­ma ang Pag-abot Program, Wa­lang Gutom Program, Taraa Ba­­sa! Program, at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

May tatlong kondisyong ini­latag ang komisyon sa implementasyon ng mga programa ng kagawaran habang panahon ng eleksyon.
Una ay walang kandidato o politiko sa panahon ng pamamahagi ng ayuda sa anomang anyo o kalikasan. Ikalawa, ang DSWD ay kinakailangang magsumite ng mga patnubay sa pampublikong procurement, at tapat na pagsunod ng mga tauhan at mga partner nito.

Isa sa mga safety net na ginagawa ng kagawaran ang tamang impormasyon sa publiko na ang nakuha nilang ayuda o tulong ay mula sa pamahalaan at hindi mula sa bulsa ng mga pulitiko o kandidato.

Kaugnay sa AKAP, kasalu­ku­­yan pang isinasaayos ng DSWD, kasama ang DOLE o Department of Labor and Employment at NEDA o National Economic and Development Authority ang ilalabas na patnubay para sa kondisyunal na pagpapatupad ng AKAP.

Pero duda rito ang militanteng grupong katulad ng Bayan Muna lalo pa’t ang pondo ng AKAP ay nahati-hati na ang alokasyon sa mga distrito at pro­binsiyang pagbibigyan, na pinili ng mga senador at kongresista.

Palalabasin DSWD ang gu­mawa ng listahan pero kaila­ngan pa rin itong dumaan sa tang­gapan ng mga nakaupong politiko.
Panawagan nila ang sus­pens­yon ng distribusyon ng AKAP habang panahon ng eleksyon.