NAGKAROON ang Pilipinas ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics sa pamamagitan ni Carlos Yulo.
Sa huli at ikalawang ginto, naghari si Yulo sa gymnastics sa floor exercise at tinalo nito sina Artur Davtyan ng Armenia na nakakuha ng pilak at si Harry Hepworth ng United Kingdom.
Itong si Darvtyan matagal nang nakikipaglaban simula noong 2012 at nagpatuloy ito sa olympiada noong 2016 at 2020.
Sa 2020 Tokyo Olympics, bronze ang medalya niya at gold sa world championship sa Liverpool, UK noong 2022.
Tinalo ni Darvtyan na gold medalist si Yulo sa 2021 world championship sa Kitakyushu, Japan.
Nanggaling sa anim na bansa ang naging kalaban ni Yulo: United Kingdom, Spain, China, Ukraine, Israel, and Kazakhstan at Armenia.
Sa unang ginto, naging kalaban ni Yulo sina Israeli Artem Dolgopyat, kampeon noong Tokyo Olympics, at British-Filipino gymnast Jake Jarman.
Matinding kalaban itong si Dolgopyat sa pagiging kampiyon noong 2020 Tokyo Olympics and world champion noong 2023.
Silver o pilak din siya noong 2017 at 2019 world championship at kampiyon 2020 a5 2023 sa European championship.
Sa Tokyo Olympics, nasilat si Yulo at umuwing luhaan at tanging si Hidilyn Diaz ang nagwagi ng ginto sa weightlifting.
Noong 2019, nanalo naman si Yulo ng silver sa world championship sa Liverpool.
Pag-uwi ni Yulo, magiging instant multi-millionaire ito.
Sa unang ginto, naglaan kaagad ang Kamara ng P3 milyon para sa kanya at sinundan ito ng P24 milyong halaga ng condo sa Global City, Taguig City mula kay Andrew Tan ng Megaworld.
Batay naman sa Section 8 ng Republic Act 10699, bibigyan naman ng pamahalaan ang maka-Olympic gold ng halagang P10 milyon at magbibigay ng Olympic Gold Medal ang Philippine Sports Commission.
Ang Kamara, naglaan na ng P3M para rin kay Yulo habang P1M grocery ang ibibigay ng SM ni Heny Sy.
Salamat Carlos Yulo at sa iba pang Pinoy na lumalaban pa hanggang matapos ang olimpiada sa Agosto 11. 2024.