MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na crude oil supply ang bansa hanggang June 30, 2026.
”Mayroon na tayong supply of crude oil, sufficient supply, hanggang June 30… tuloy pa rin ang paghahanap natin ng supply,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isnag ambush interview sa pagbubukas ng NAIA Expressway Phase II.
Ang paliwanag ng Pangulo, may may pagkakaiba sa pagpepresyo sa pagitan ng pag-angkat ng crude oil at finished fuel products, sabay sabing ang refined fuel gaya ng diesel ay mas expensive o mahal kapag imported.
”At in terms of crude oil supply, dahil pinapasok nila ang crude oil para i-refine dito sa Pilipinas. Iba ang presyuhan kapag nagpasok tayo ng krudo mismo, ng diesel, kaysa sa nagpasok tayo ng crude oil at tayo ang mag-refine,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Kamakailan ay idineklara ni Pangulong Marcos ang state of national energy emergency, at iniutos ang pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) para sa mga apektadong sektor.
Kasunod ito ng paglagda ni Marcos sa Executive Order No. 110 na nagdedeklara ng state of national energy emergency, nagpapatupad ng UPLIFT, at paganahin ang whole-of-government response para matiyak ang katatagan ng suplay ng enerhiya, suportahan ang mahahalagang sektor tulad ng transportasyon, agrikultura, at MSMEs, at maprotektahan ang mga Pilipino sa gitna ng problema sa pandaigdigang suplay ng langis.
Ayon sa EO, ang UPLIFT ay nagsisilbing balangkas ng organisadong pagtugon ng gobyerno, na binubuo ng mga hakbang sa pamamahala ng suplay ng enerhiya na ipatutupad ng Department of Energy, at mga kaakibat na ahensya, at mga karagdagang hakbang upang suportahan ang mga konsyumer at apektadong sektor.
Ang UPLIFT Committee na mangangasiwa sa pagpapatupad nito ay binubuo ng mga sumusunod:
President of the Philippines
Executive Secretary
Secretary, Department of Energy (DOE)
Secretary, Department of Transportation (DOTr)
Secretary, Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Secretary, Department of Agriculture (DA)
Secretary, Department of Finance (DOF)
Secretary, Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev)
Secretary, Department of Budget and Management (DBM)