Home NATIONWIDE Sariling AI App na kakalaban sa ChatGPT inilunsad ng Meta

Sariling AI App na kakalaban sa ChatGPT inilunsad ng Meta

Inanunsyo ng Meta ang paglulunsad ng kanilang unang standalone AI assistant app, na makakalaban ang ChatGPT ng OpenAI.

Ang app ay nagbibigay ng direktang akses sa mga AI models ng Meta, at pinapayagan ang mga user na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng personalized voice conversations.

Ayon kay Mark Zuckerberg, ang CEO ng Meta, ang app ay dinisenyo upang maging isang “personal AI” na nagsimula sa basic na impormasyon tungkol sa interes ng mga user. Sa paglipas ng panahon, maaring magbigay ng higit pang personal na impormasyon ang mga user, upang matutunan ng AI ang kanilang mga pangangailangan at ugnayan sa mga app ng Meta.

Isa sa mga pangunahing tampok ng app ay ang isang social feed, kung saan makikita ng mga user ang mga AI-generated posts mula sa iba, kaya’t natututo at nagbabahagi sila ng prompts at art. Ang app ay kapalit na rin ng Meta View app para sa Ray-Ban Meta smart glasses, na nagpapadali ng mga pag-uusap sa pagitan ng mobile at desktop platforms.

Nagkaroon din ng experimental mode na naglalayong magbigay ng human-like conversations, kabilang ang mga interruptions at tawanan, para sa mas natural na pakikipag-usap. Ngunit, hindi pa kayang maghanap ng impormasyon sa web ang app, kaya’t hindi ito makakapagbigay ng mga update tungkol sa mga sports o iba pang mga real-time na paksa.

Ang paglulunsad ng app ay nagpapakita rin ng open-source AI model ng Meta, na tinatawag na Llama, na nagbibigay kakayahan sa mga developer na i-customize ang software ayon sa kanilang pangangailangan.RNT