Home NATIONWIDE SC, Korean International Agency Partner sanib-pwersa sa modernisasyon ng PH courts

SC, Korean International Agency Partner sanib-pwersa sa modernisasyon ng PH courts

MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Supreme Court (SC) at ang Korean governmental organization para sa modernization program ng court system ng Pilipinas.

Isinagawa nitong Martes ang kick-off activity para sa nabuong partnership ng SC at ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) Philippines, ang Korean governmental organization para sa official development assistance.

Sinabi ng SC na bunsod ng proyekto, maisasagawa ang electronic verification at case and evidence management system, maging ang pagiging digitalized ng court records at ang training sa mga court personnel.

Layon din ng proyekto na mabawasan ang case backlogs at gawing simple ang adjudication processes sa pamamagitan ng “cutting-edge technology.”

Ibabahagi ng KOICA ang makabagong judicial practices ng Korea.

Sinabi naman ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na dahil sa naturang proyekto ay mapalalakas ang mga hakbang ng hudikatura tungo sa modernisasyon at artificial intelligence.

“We must prepare ourselves so that we as an institution, can demonstrate our ability to adapt, no matter how daunting or difficult change may seem,” ani Leonen. Teresa Tavares