MANILA, Philippines- Binabantayan na rin ng Department of Health (DOH) ang sakit na alalahanin ngayon sa ibang bansa partikular ang repiratory illnesses sa gitna ng pagtaas ng kaso ng flu sa China.
Sinabi ni Dr. Irvin Miranda ng DOH na nakaantabay ang ahensya at posibleng magpahayag sila at magbibigay-abiso hindi lamang sa pamunuan ng Quaipo Church kundi sa mga mamamayan para mas maging ligtas ang selebrasyon ng aktibidad.
Kasabay nito, umaasa si Miranda na hindi ito mangyayari.
Sinabi pa ni Miranda na itinaas ng DOH ang code white alert para sa Metro Manila gayundin ang Central Luzon at Calabarzon regions para tumugon sa anumang mangyayyari.
Bilang karagdagan, nasa 20 health emergency response teams ang pakikilusin para sa Traslacion at ang referral hospitals ay nakaalerto. Jocelyn Tabangcura-Domenden