Home METRO Scam hub sa Pampanga, ipinasara ng BI; 12 Korean nat’ls arestado

Scam hub sa Pampanga, ipinasara ng BI; 12 Korean nat’ls arestado

164
0

PAMPANGA, Philippines – Nakatuklas ang Bureau of Immigration (BI) ng umano’y scamming hub sa Angeles City, Pampanga, na nagresulta sa pag-aresto sa 12 Korean nationals.

Ayon sa BI, ang Intelligence Division–Special Response Team ay natukoy si Yu Jaemin bilang pangunahing suspek, na diumano’y nagpapatakbo ng scam hub na target ang kapwa Koreano at iba pang banyaga.

Samantala, nahuli ang 11 iba pang Koreano habang ginagamit ang kanilang operational equipment noong entrapment operation noong Pebrero 25. “The setup, including designated workstations and ongoing digital activities, was consistent with reported scamming operations,” ani ng BI.

Tatlo sa mga suspek ay “fugitives from justice” habang ang ilan naman ay na-overstay, na lumabag sa Philippine Immigration Act of 1940. Lahat ng 12 ay dinala sa Manila at kasalukuyang nasa BI Warden’s facility habang hinaharap ang kanilang deportation cases.

Habang ginaganap ang operasyon, isang Korean national ang dumating at sinubukang makialam, na nagpakilalang property manager at sinabing ipinadala ng Korean authorities. Ngunit, nakumpirma ng BI sa Korean government na “no such representation was made by them.”

Ang kaso ng suspek ay iniimbestigahan pa ng BI para sa posibleng koneksyon sa scam hub. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here