Home METRO Search and Rescue Team Challenge 2024 sa Calabarzon isinagawa

Search and Rescue Team Challenge 2024 sa Calabarzon isinagawa

LAGUNA – PORMAL nang binuksan ang Joint Search and Rescue Team Challenge 2024 na ginanap sa Covered Court ng Camp BGen. Vicente Lim Calamba City, Laguna.

Ang naturang activity ay para kapag mayroong emergency ang kompetisyon ay umarangkada nitong Lunes, Hunyo 24 at magtatapos sa Hunyo 26, 2024.

Nasa 66 ang lumahok mula sa ibat-ibang probinsya kabilang ang mga personnel mula sa Regional Mobile Force Battalion kung saan nagkaroon ng rescue scenarios.

Ang isinagawang PRO4A Joint Search and Rescue Team Challenge ay kung sa papaanong paraan kapag mayroong emergency na rerespondehan sa mga law enforcement agencies and the public kung saan ang naturang team ang magsasagawa ng realistic disaster scenarios kabilang dito ang Physical Fitness Challenge, Knot Tying and Practical Application, First Aid and Situation Handling, Rubbed Boat Operation and Water Rescue Exercises.

Ang pagbubukas ng Joint Search and Rescue Team Challenge 2024 ay pinangunahan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon at kabilang sa dumalo ci Atty Owen G. De Luna Regional Director ng Napolcom 4A na nagbigay ng kanyang mensahe sa mga lumahok. Ellen Apostol