Home SPORTS Security plan ng Paris Olympics ninakaw

Security plan ng Paris Olympics ninakaw

PARIS – Isang bag na naglalaman ng computer at dalawang USB memory stick na may hawak na police security plan para sa Paris Olympic Games ang ninakaw noong Lunes ng gabi mula sa isang tren sa Gare du Nord station ng kabisera, sinabi ng mga police source kahapon.

Pagmamay-ari ang bag ng isang engineer mula sa Paris City Hall, sinabi ng pulisya, na kinumpirma ang isang ulat ng telebisyon ng BFM, idinagdag na inilagay niya ang bag sa baggage compartment sa itaas ng kanyang upuan.

Dahil naantala ang kanyang tren, nagpasya siyang magpalit ng tren kung saan natuklasan niya ang pagnanakaw.

Sinabi ng engineer na ang kanyang computer sa trabaho at dalawang USB stick ay naglalaman ng sensitibong data, lalo na ang mga plano ng munisipal na pulis para sa pag-secure ng Olympics.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang regional transport police.

Hindi agad nakapagkomento ang Paris City Hall kaugnay sa isyu.

Dalawang libong opisyal ng pulisya ng munisipyo ang ide-deploy sa Games, na may kabuuang humigit-kumulang 35,000 pwersang panseguridad na inaasahang naka-duty bawat araw para sa Olympics na magsisimula sa Hulyo 26.

Previous articleCha-cha na walang Senate approval, balewala – solon
Next articleFilipinas yukod sa Slovenia sa Pinatar Cup