Home NATIONWIDE Sen. Mark Villar, Co, Romualdez, isasubpoena ng ICI

Sen. Mark Villar, Co, Romualdez, isasubpoena ng ICI

326
0

MANILA, Philippines – Magpapalabas ng subpoena ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) laban kay dating DPWH Secretary at kasalukuyang senador Mark Villar, dating House Speaker Martin Romualdez, at dating House Appropriations chair Zaldy Co, kinumpirma ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka nitong Miyerkules.

Pinamunuan ni Villar ang DPWH mula 2016 hanggang 2021 at ngayon ay namumuno sa Senate public works committee.

Mariing itinanggi naman ni Romualdez ang pagkakasangkot sa mga umano’y iregularidad sa flood control projects, at iginiit: “I have never, and I will never, accept a bribe from anybody.”

Ang ICI, na inatasang imbestigahan ang mga kuwestiyonableng proyekto, ay una nang nagsumite ng referral sa Ombudsman na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kaso laban kay Co at ilang opisyal ng DPWH kaugnay ng P289.5 milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Nanindigan si Co, na nagbitiw bilang kongresista, na peke ang mga paratang at nagsabing pinili niyang manahimik “to protect my family and myself.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here