MANILA, Philippines – Bukas ang Senado sa ilalim ng liderato ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ipasa ang panukalang mag-aamyenda sa Rice Tarrification Law, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes, Hunyo 13.
Ani Romualdez, napagkasunduan ito matapos ang meeting niya kasama si Escudero sa Malakanyang.
“A key focus of the meeting was the amendments to the Rice Tariffication Law, identified as a top priority. (The Senate is) open (to passing the bill amending the RTL),” sinabi ni Romualdez.
“I understand Senator Cynthia Villar will file her version (of a bill amending RTL),” dagdag pa ng House Speaker.
Nagpahayag ng pagtutol si Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa naturang panukala na mag-aamyenda sa RTL na naaprubahan na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon sa senador, ang naunang kaugnayan ng NFA sa mga korapsyon sa rice importation ang dahilan kung bakit nabitin ang pagpasa sa RTL.
Sa ilalim ng RTL, papayagan ang unlimited na pagpasok ng mga imported na bigas sa bansa, sa P10 bilyon sa tariff collection ang mapupunta sa Rice Competitiveness Enhancement Fund para sa mechanization, interventions at iba pang tulong na magpapataas sa produksyon ng mga magsasaka.
Sa kabila nito, isinusulong ng Kamara ang pagpasa sa amyenda sa RTL na papayag sa NFA para bumili at magbenta ng bigas para pigilan ang paglobo sa presyo ng bigas.
Sinabi ng House proponents sa panukala na mag-aamyenda sa RTL na dapat baguhin ang batas, sa pagsasabing ang mga kasalukuyang hakbang ay bigong maabot ang mga target nito partikular na sa mechanization, na magpapataas sa yield ng mga magsasaka at pagpapababa sa production cost.
“These amendments (to the RTL) aim to provide quality affordable rice to Filipinos and increase the income of Filipino farmers and a crucial step towards ensuring food security and economic stability for our farmers,” ani Romualdez.
“We are committed to making quality rice affordable for all Filipinos while boosting the livelihoods of our local farmers,” dagdag pa ng House Speaker. RNT/JGC