Home OPINION POPE FRANCIS AMOY NA AMOY ANG KABAKLAAN SA KAPARIAN

POPE FRANCIS AMOY NA AMOY ANG KABAKLAAN SA KAPARIAN

NONG Mayo 28, 2024, nakipagkita si Pope Francis sa 200 obispong Italiano.

Closed door o sikret dapat ang lahat ng laman ng pag-uusap.

Pero paglabas ng mga obispo, hayun, may naghudas agad.

Sinabi raw ni Pope Francis na saksakan ng dami ng mga bading o “frociaggine” o faggotry sa mga seminaryo ngayon.

Hindi na dapat tumanggap ang mga seminaryo ng mga bading.

Makaraan ang dalawang linggo, nakipagmiting din si Pope Francis sa nasa 200 pari sa Salesian Pontifical University.

Inulit ni Pope Francis ang nasabing salita, “frociaggine” o faggotry, at sinabi nitong amoy na amoy niya iyon mula sa mga nakipagmiting.

Hak, hak, hak!

Makaraang mabuking ang usapang kabadingan sa miting sa mga obispo, panay ang sori ni Pope Francis na nasambit niya ang salitang frociaggine.

Pero joke lang daw iyon sa gitna ng katotohanang punuan ang mga seminaryo ng mga bading.

Pero miting sa mga pari, sinabi niyang welcome pa rin ang mga bading at dapat samahan ang mga ito sa pananampalataya sa Diyos kahit may frociaggine.

Nagbago ba ang paninindigan ng Papa ukol sa mga bading o bakla at pupwede na silang mataggap muli sa mga seminaryo at maging pari na sa kalaunan, maging obispo at kardinal at finally, maging mga Papa?

Alalahaning, may kasaysayan sa Simbahang Katolika na may naging mga Papa na bading tulad ni Pope Benedict IX (1032-1048), Pope Paul II (1464–1471) at iba pa.

Naging sakit sa ulo ni Papa Kiko ang mga bading dahil sila ang naging dahilan ng mga katakot-takot na pedopilya na gawa ng mga obispo at kardinal na nagpapabagsak ngayon sa kredibilidad ng buong Simbahang Katolika, kawalan na ng mga nagsisimba sa ibang mga bansa at paglipat ng marami sa ibang mga relihiyon.

Ano na, Papa Kiko?