MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kausapin ang mga lider ng Senado at Kongreso na bigyan siya ng kapangyarihan na bawasan ang excise tax sa petroleum products kapag ang Dubai crude ay nag-exceed sa $80 per barrel.
Sinabi ng Pangulo sa press conference sa Kalayaan Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 3 na kanilang napag-usapan sa isang pulong na maaari itong makatulong.
“Wala pa tayo doon but if in case that happens then maybe this is something that we will have to.. this is one tool that we will have to have,” ayon sa Pangulo.
“So, I will discuss it with the leadership of Congress and to see it is going to be an emergency measure, it is not going to be a permanent measure. It will be something that we will dispose of as soon as the crisis is over,” ang dagdag na pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, mayroon na aniyang ugnayan sa pagitan ng Department of Energy at mga kompanya ng langis na kung anuman ang magiging pagtaas ng presyo na kanilang ikakasa ay gagawin nila ito ‘in a staggered manner.’
“Huwag bigla para hindi naman bigla biglang tataas ang presyo ng petroluem products, ng langis. Ito’y iyong mga produkto na ginagamit ng taumbayan ay dahan-dahan lang paaakyatin. and that will hopefully become a little bit less to.. from unless of our problems, to the working public,” aniya pa rin. KRIS JOSE