Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na Makikipagtulungan ang Senado sa Mababang Kapulungan upang tuluyan nang maisabatas ang P200 across-the-board daily wage hike para sa private sector workers.
Inihayag ito ni Escudero matapos aprubahan ng House committee on labor and employment ang P200 across-the-board daily wage hike.
“Although we only have nine session days left, I welcome the openness of the House, at this time, to passing this Senate-initiated measure,” ani Escudero.
Isinulong ang P200 daily wage increase sa Kamara na mas mataas s P100 daily wage hike na inaprubahan ng Senado noong March 2024.
“I look forward to working with them on this,” ani Escudero.
Nakatakdang magtapos ang sesyon ng Kongreso sa Pebrero 7 upang bigyan-daan ang campaign period sa May 2025 polls.
Magbabalik ng sesyon mula Hunyo 2 hanggang 13 bago magtapos ang 19th Congress.
Sa panahong ito, dapat itong maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng Kongreso saka pagsasmahan ang kanya-kanyang bersiyon at ratipikahan ng dalawang Kapulungan sa loob ng tatlong linggo.
Kapag sinunod ang naturang timeline, nakahanda nang lagdaan ng Pangulong Marcos ang panukala upang maging ganap na batas bago magtapos ang 19th Congress.
Sakaling setipikado ng Palasyo ang panukala, puwedeng aprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa iisang araw na magpapadali sa proseso. Ernie Reyes