Home NATIONWIDE Senegalese national na paalis ng bansa, hinarang sa pekeng visa

Senegalese national na paalis ng bansa, hinarang sa pekeng visa

MANILA, Philippines – Naharang ng immigration personnel ang isang Senegalese national sa pag-alis ng bansa patungong Europe matapos na mahuling may pekeng Schengen visa.

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na ang 23-anyos na si Binetou Dieng ay hinarang sa Ninoy Aquino International Airport noong Pebrero 26 matapos niyang subukan na sumakay sa flight patungong Taipei para sa kanyang destinasyong Milan, Italy.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nakatanggap ng tip ang kanyang mga tauhan na isang Senegalese national ang may pekeng travel documents.

Nang lapitan siya ng mga ahente at usisain, doon na nakumpirmang peke nga ang dala-dalang dokumento ng suspek.

Naniniwala si Tansingco na ang biyahe ni Dieng ay pinangangasiwaaan ng isang sindikato na sangkot sa human trafficking.

“We suspect that this woman’s trip was facilitated by a syndicate engaged in the trafficking of Africans to Europe. We learned that she just arrived from the Middle East two days ago with a companion whom we suspect is a courier for the syndicate,” ayon sa opisyal.

Kasalukuyang naka-detain si Dieng sa BI facility sa Taguig City at ipatatapon kasabay ng paglalagay sa kanya sa blacklist. RNT/JGC

Previous articlePagproseso sa end-of-service benefits inilipat na ng DFA sa DMW
Next articleMga magsasakang apektado ng El Niño tatanggap ng credit assistance, insurance