Home METRO Senior, sugatan sa ‘suwag’ ng ambulansya

Senior, sugatan sa ‘suwag’ ng ambulansya

1
0

PANGASINAN, Philippines – Isinugod sa ospital ang isang 70-anyos na lolo matapos  na aksidenteng mabangga ng ambulansya ang minamaneho nitong tricycle sa bayan ng Sta. Barbara ng lalawigang ito nitong Huwebes ng hapon, Setyembre 17.

Ayon sa Sta. Barbara MPS, ang driver ng tricycle ay residente ng naturang bayan samantalang ang 58-anyos na driver ng ambulansya ay residente ng Asingan, Pangasinan.

Base sa imbestigasyon, ang tricycle ay bumibiyahe papuntang silangan samantalang papunta naman  ang ambulansya ng opposite direction.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, tinangka umanong mag-overtake ng ambulansya sa isang sasakyan kaya nasakup nito ang kabilang lane na nagresulta sa banggaan nila ng tricycle.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang driver ng tricycle.

Isinugod sa Region 1 Medical Center Annex sa Dagupan City  ang driver ng tricycle.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng ambulansya.

Ang nakasakay na pasyente sa naturang ambulansya ay inilipat o isinugod sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here