Home ENTERTAINMENT Sha-Gab reunion concert, kasado na!

Sha-Gab reunion concert, kasado na!

Manila, Philippines – Buhay na buhay pa rin ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion magic!

Nito ngang August 9, ibinahagi ng Megastar ang poster ng kanilang concert na pinamagatang Dear Heart.

Ito’y gaganapin sa October 27 sa Mall of Asia.

Pamagat din ‘yon ng kanilang 1981 movie under Viva Films.

Sa kuwento, nainlab ang mayamang si April played by Sharon kay Jimmy na ginagampanan ni Gabby.

That was supposed to be the beginning of more films that topbilled who would later become a married couple and proud parents of KC, their only child.

Sa poster, makikitang kapwa nakaupo si Gabby habang naka-de kuwatro katabi ni Sharon on a separate chair.

Nakasuot ng formal suit si Gabby habang naka-formal casual dress si Sharon.

Nasa bandang itaas ang kanilang mga pangalan with Gabby’s name billed ahead.

This is not so in their past movies together dahil laging nauuna ang pangalan ni Sharon.

Masasabing ang forthcoming concert nila is the closest it can get to their supposed reteam-up on the big screen.

Hindi ‘yon natuloy much to the disappointment of their fans dahil umano sa problema on Gabby’s end.

Sa halip ay pumayag na lang silang gumawa ng isang TV commercial for a popular food chain.

Already separated, may kanya-kanya nang buhay sina Sharon at Gabby.

Si Sharon with former Senator Kiko Pangilinan samantalang si Gabby with Genevieve Gonzales.

Maagang pa-birthday rin ni Gabby ang kanilang Dear Heart concert who’s celebrating his 59th birthday on November 5.

Indeed, the Sha-Gab magic is still alive! Ronnie Carrasco III