Home METRO Shabu lab sinalakay sa Sarangani

Shabu lab sinalakay sa Sarangani

SARANGANI – Natuklasan ng awtoridad ang isang hinihinalang shabu laboratory sa paghahanap sa isang bodega sa Sitio Sagel, Barangay Pinol, Maitum, Sarangani nitong Linggo, ayon sa Sarangani Police Provincial Office.

Sa isang pahayag, sinabi ng pulisya na nagpatupad ang mga awtoridad ng search warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 50 sa Sarangani Province laban sa bodega na pag-aari ni alyas “Tom.”

Nasamsam mula sa bodega ang mga hinihinalang kagamitan sa paggawa ng napakalaking bulto ng shabu.

Ang mga reklamong isasampa laban sa suspek ay para sa pagtatangka o pagsasabwatan kaugnay sa paggawa ng mga mapanganib na droga at/o kontroladong precursor at mahahalagang kemikal sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ng awtoridad na pinaghihinalaang financier ng hinihinalang shabu laboratory ay isang Chinese national. RNT