MANILA, Philippines – Makakaapekto ang shear line sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang iiral sa Hilagang Luzon at nalalabing bahagi ng Central Luzon ngayong Huwebes, Disyembre 12.
Ang Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at
isolated thunderstorms dahil sa Shear Line.
Ang Mindanao, Central Visayas, Palawan, Negros Oriental, Leyte, at Southern Leyte naman ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Samantala, ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan, habang ang Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa kaparehong weather system.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na ay isolated rain showers o thunderstorm ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC