Home NATIONWIDE Shear line, amihan magpapaulan sa ilang parte ng bansa

Shear line, amihan magpapaulan sa ilang parte ng bansa

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang shear line sa eastern section ng Mindanao habang ang northeast monsoon (amihan) ay makakaapekto sa Luzon at Visayas ngayong Miyerkules, Enero 17, iniulat ng PAGASA.

Ang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may posibilidad ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, at Camarines Norte ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon na walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., habang lulubog ito ng 5:47 p.m. RNT

Previous articleLAGING MAGHANDA SA DISGRASYA SA EROPLANO
Next articleLotto Draw Result as of | January 16, 2024