MANILA, Philippines – Matatapos na bukas, Setyembre 10 ang siphoning operation sa lumubog na Motor Tanker Terranova, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Setyembre 9.
Sa isang pahayag, sinabi ng PCG na ang pinakahuling siphoning operation noong Linggo ay nakakolekta ng “karamihan ay tubig.”
“Coast Guard Station Bataan Commander, CG Lieutenant Commander Michael John Encina, said the 08 SEPTEMBER 2024 RECOVERED OILY WASTE WERE MOSTLY WATER,” sabi ng PCG.
“However, the siphoning operation will continue until tomorrow, 10 September 2024, to ensure all the IFO cargo will be extracted from the sunken MTKR Terranova,” dagdag pa ng ahensya.
Mula Agosto 19 hanggang Setyembre 8, kabuuang 1,304,878 litro ng oily waste ang nakolekta mula sa MTRK Terranova—na may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito.
Isang tripulante ang namatay at 16 na iba pa ang nailigtas matapos tumaob ang MTKR Terranova at lumubog sa layong 3.6 nautical miles sa silangan ng Lamao Point sa Limay noong Hulyo 25.
Bukod sa MTKR Terranova, tumugon din ang PCG sa lumubog na MTKR Jason Bradley at sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan.
Para sa MTKR Jason Bradley, pinakilos ng nakakontratang salvor na FES Challenger ang mga pump at siphoning pipe nito upang simulan ang pagsipsip ng tubig-dagat nito noong Lunes.
“FES Challenger said the target date to refloat MTKR Jason Bradley will be on Saturday, 14 September 2024. It will be brought to Diving Industry Shipyard, Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan for further operations,” sabi ng PCG.
“The Oil Spill Response Team (OSRT) patrolled the vicinity waters near the sunken vessel. No oil sheen was observed during the survey,” ayon pa sa PCG.
Dahil sa epekto ng oil spill, idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng Bataan gayundin sa siyam na lungsod at bayan sa Cavite. Jocelyn Tabangcura-Domenden