Home NATIONWIDE Socmed ban sa mga bata, pinagaaralan ng UK

Socmed ban sa mga bata, pinagaaralan ng UK

259
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng United Kingdom ang mas mahigpit na regulasyon sa paggamit ng social media ng mga bata, kabilang ang posibleng pagbabawal, ayon kay Punong Ministro Keir Starmer nitong Martes.

Binalaan niya na nanganganib ang mga kabataan na mahulog sa “world of endless scrolling, anxiety and comparison.”

Sinabi ni Starmer na handa ang gobyernong Labour na magpatupad ng “robust action” at susuriin ang ebidensya mula sa ibang bansa ukol sa mga panukalang limitahan ang edad ng pag-access sa mga platform at bawasan ang mga tampok tulad ng infinite scrolling.

Plano rin ng gobyerno na pag-aralan ang naging hakbang ng Australia, na kamakailan ay nagbawal sa social media para sa mga batang wala pang 16.

Wala pang partikular na limitasyon sa edad na inihayag, ngunit sinabi ng gobyerno na pinag-aaralan ang pagbabawal para sa mga bata “under a certain age” at ang pagpapabuti ng age verification. Iginiit ni Starmer na “no option is off the table.”

Aniya, may magandang potensyal ang teknolohiya para pagandahin ang buhay ng mga kabataan, ngunit hindi dapat ang pagiging bata ay tungkol sa patuloy na paghuhusga ng mga estranghero o pressure na magpakitang-gilas para sa likes. Magbibigay ang gobyerno ng batay-sa-ebidensyang gabay sa mga magulang tungkol sa oras na ginugugol ng mga batang edad lima hanggang 16 sa telepono, tablet, at computer, habang hiwalay na gabay para sa mga batang wala pang lima ang ilalabas sa Abril.

Sinabi rin ni Starmer na “have no place in classrooms” ang mobile phones, at susuriin ng education regulator na Ofsted ang pagpapatupad ng mga pagbabawal.

Lumalala ang pag-aalala sa kaligtasan ng mga bata online dahil sa pagdami ng AI-generated content, kabilang ang ulat na naglabas ang Grok AI chatbot ni Elon Musk ng mga non-consensual sexual images, kabilang ang mga menor de edad.

Naglatag na ang Britanya ng plano para ipagbawal ang AI nudification tools at pinagtatrabahuhan ang pagpigil sa mga bata na kumuha, magbahagi, o manood ng nude images sa kanilang mga device. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here