Home NATIONWIDE Solon sa overseas Filipinos: Magkaisa, mahalin ang Pilipinas

Solon sa overseas Filipinos: Magkaisa, mahalin ang Pilipinas

MANILA, Philippines – Dapat pa rin na ipakita ng mga Filipino ang kanilang pagkakaisa at pagmamahal sa bansa upang mapanatili ang Kalayaan ng Pilipinas.

Ito ang nagging panawagan ni Senador Jinggoy Estrada sa harap ng 15,000 overseas Filipino workers na dumalo sa “Sandiwa Fiesta Sa Europa” bilang pagtatapos ng selebrasyon sa ika-126 taong Araw ng Kalayaan sa Milan, Italy nitong Linggo, Hunyo 30.

“Sa paggunita ng ating Kalayaan ngayon araw, ipakita natin ang pagkakaisa nating mga Filipino. Ipagmalaki natin ang ating lahi, at ipakita natin sa buong mundo ang tapang at pagmamahal natin sa ating inang bayan,” saad sa mensahe ni Villar.

Aniya, ang pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay patuloy na lalaban sa mga pagsubok kabilang ang gusot sa pagitan ng China sa West Philippine Sea.

“Gaya ng paulit-ulit na pahayag ng ating Pangulo, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tungkol dito, sinisiguro na hindi natin hahayaang mawalan ng saysay ang pinaglaban ng ating mga ninuno, maging ang pagkapanalo natin sa Permanent Court of Arbitration na nagdeklara na walang batayan sa international law ang nine-dash line ng China na ginagamit na dahilan para kamkamin ng ating teritoryo,” ani Estrada.

“Ang West Philippine Sea ay atin at ipaglalaban natin ito. Hindi lamang ito parte ng ating territory, bahagi rin ito ng pagkilalan at soberanya, kaya’t patuloy ang ating gobyerno na lumalaban para sa ating karapatan,” dagdag pa niya.

Pinuri naman ni Consul General Elmer Cato ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Filipino sa Italy at iba pang bahagi ng Europa.

“Narito rin tayo para dinggin ang panawagan ng ating mahal na pangulo, si President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., para magka-isa at magtulungan ang sambayanang Pilipino para maitayo natin ang isang bagong Pilipinas,” sinabi ni Cato sa kanyang nagging mensahe sa overseas Filipinos. RNT/JGC