Home NATIONWIDE Solon sa PNP: P200M ransom sa Anson Que kidnap-slay irekober

Solon sa PNP: P200M ransom sa Anson Que kidnap-slay irekober

MANILA, Philippines- “Dapat maibalik sa pamilya Que ang ibinayad na ransom money.”

Ito ang apela ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Philippine National Police (PNP) na inatasang gawin ang lahat para marekober ang P200 milyong ransom money.

“We urge the PNP to deploy every available resource and investigative tool to follow the money trail, hold all perpetrators accountable, and recover the funds illicitly obtained,” pahayag ni Pimentel.

Aniya, ang kabiguan na marekober ang pera ay maituturing na malaking dagok sa isinasagawang imbestigasyon at magbibigay impresyon lamang ito na gumawa muli ng kidnap-slay ang sindikato.

“Our government must send a strong and unambiguous message: crime does not pay, and justice will relentlessly pursue those who threaten public safety,” ani Pimentel.

Giit pa ni Pimentel na ang pagrekober sa malaking halaga ay makatutulong din sa pamilya at sa kabilang banda ay makapapawi sa kanilang hignapis.

Si Que at ang kanyang driver ay natagpuang patay sa Rodriguez Rizal matapos kidnapin at magbayad ng malaking ransom. Gail Mendoza