Home NATIONWIDE Southern Germany paralisado sa matinding snow

Southern Germany paralisado sa matinding snow

GERMANY – Paralisado ang malaking bahagi ng southern Germany dahil sa matinding snow nitong Sabado, Disyembre 2.

Sa Munich, isinara ang air at rail traffic dahil sa matinding snow.

Matapos suspendihin ang biyahe ng eroplano tanghali ng Sabado, sinabi ng Munich airport na mananatili itong sarado hanggang alas-6 ng umaga ng Linggo, Disyembre 3. Sa kabuuan, nasa 760 flights ang apektado.

Ayon sa weather services sa Germany, mahigit 40 sentimetro, o 16 pulgada ng snow ang bumagsak mula Biyernes hanggang Sabado.

Nanawagan naman ang mga awtoridad sa mga residente na manatili na lamang muna sa bahay para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, suspendido rin ang biyahe ng tren.

“The main Munich station cannot be served,” sinabi ng rail operator na Deutsche Bahn. RNT/JGC