Home OPINION STAGFLATION SA $150-$200 KRUDO

STAGFLATION SA $150-$200 KRUDO

140
0

AMININ man natin o ng gobyerno, nagsimula na ang stagflation kung tawagin.

‘Yun bang === stagnation o pagbagal o paghinto ng pag-unlad ng ekonomiya, hindi lang sa mahal kong Pinas kundi sa mundo.

Pinaigsi ang stagnation sa STAG.

Itong FLATION naman ang huling bahagi ng salitang inflation na alam na nating pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kaya naman, STAGFLATION ang mga pangyayaring pagbagal o pagtigil ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

KANO AT ISRAEL ANG MAY GAWA

Nag-ugat ang stagflation sa giyerang inilunsad ng United States at Israel laban sa Iran.

Gustong agawin at angkinin ng US ang langis at liquified natural gas ng Iran para pagkakitaan.

Ang Iran, pangatlo sa may pinakamalaking deposito ng langis sa mundo at sakop nito ang pinakamalaking deposito ng liquified natural gas sa Middle East na matatagpuan sa South Par, Iran.

Kaya hanggang sa tinitipa ito, mga Bro, ayaw bombahin ng US at Israel ang Kharg Island ng Iran dahil nandito ang pasilidad ng Iran para sa pag-export ng 90% ng langis at LNG nito sa mundo.

Kalaban naman ng Israel ang Iran dahil kontrabida ang Iran sa asta ng Israel na palawakin ang teritoryo nito na Greater Israel na sasakop sa ilang bahagi ng Lebanon, Syria, Jordan at Gaza Strip.

Bukod sa libo-libo nang patay sa giyera, kasama ang mga sibilyan sa Iran, Israel, Jordan, Lebanon, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Iraq, Kuwait, Bahrain, Qatar at Oman at mga pwersang Kano mismo, nandiyan na ang pagtaas nang mahigit doble na presyo ng langis at LNG na nagaganap na rin mismo sa Pinas.

Sa ngayon, nasa P150 kada litro ang diesel at sa susunod na linggo, inaasahang lulundag pa sa P170 ang isang litro habang mahigit sa P100 na ang sa gasolina at kerosene kumpara sa nasa P54 kada litro sa diesel at nasa P60 kada litro ng gasolina bago mag-Pebrero 28, 2026 na simula ng pagbomba ng US at Israel sa Iran.

Ngayong araw, Abril 6, maaaring sisirit pa ang presyo ng langis sa triple o $150-$200 kada bariles mula sa $110 kada bariles ngayon na magiging dahilan ng lalong pagtaas pa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

STAGFLATION SA PINAS

Mabagal na nga ang pag-unlad ng ekonomiya natin dahil sa korapsyon sa gobyerno na umabot sa P1.3 trilyon sa nakalipas na tatlong taon sa flood control program, maliban sa iba pang mga programa, lalong lumala ito sa dahil sa digmaan at pagtaas ng presyong langis at LNG at siyempre pa, humalo na rito ang bunga ng oil crisis na pagtaas ng mga bilihin.

Dahil sa stagflation, babagal ang pagdami ng negosyo, may magsasara o nagsara na o kaya nagtitiis sa kalugihan na nagbubunga ng kawalan ng pagkakitaan at mapasukan naman ng mga obrero habang hihina rin ang produksyon ng mga magsasaka at mangingisda na ngayo’y hindi na sa kalabaw at sagwan umaasa kundi sa makina na pinagkakagastusan nang malaki sa petrolyo at ikinalulugi sa pagsasaka at pangingisda.

Saan kaya tayo pupunta mula rito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here