Manila, Philippines – Is there such a thing as a woman’s second debut?
Sa kaso ni Ivana Alawi, ang sagot ay oo.
December 25 kasi ang kaarawan ng actress cum content creator.
Since Christmas Day ‘yon, Ivana’s debut party was not as well-attended.
Besides, ideya daw ‘yon ng kanyang ina: not hers.
Dahil “flop” ang nakaraang debut party niya, Ivana saw fit to host another celebration.
Ito’y makaraang umabot na sa 18 million ang subscribers sa kanyang vlog.
To re-create the debut feel ay nagsuot siya ng gown.
Pero ang twist ay buong ningning siyang naka-gown habang nagluluto ng pares para sa inimbitahan niyang 1,800 na katao.
Payback time nga ang okasyong ‘yon na inihapay ni Ivana sa numerong 18.
Masuwerte nga ang 1,800 na kataong ‘yon dahil nabahaginan sila ng biyaya mula sa vlogging ni Ivana.
Nagmistulang fans’ day din niya ‘yon kung saan nakipagtsikahan ang aktres sa kanyang mga bisita, nagpaunlak ng photo op with matching may mga palaro pa.