Home METRO Sunog sumiklab sa Binondo

Sunog sumiklab sa Binondo

MANILA — Nasunog ang isang gusali sa Carvajal Street, Barangay 289, Binondo, Manila noong Miyerkules ng umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas-5 ng umaga at itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang second alarm bandang 5:45 a.m., na nangangailangan ng walong fire trucks sa lugar.

Naapula ang apoy bandang alas-7 ng umaga sa tulong ng BFP at mga fire volunteers. Ayon kay Fire Senior Inspector Ronald Lim ng BFP Manila Station 1, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang gusali at naapektuhan din ang ikatlong palapag at ang kalapit na establisyemento.

Walang naitalang nasawi sa insidente dahil sa mabilis na pagresponde ng mga bombero at volunteers. Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Nagpaalala si Lim sa publiko na laging mag-ingat sa paggamit ng mga kagamitang elektrikal upang maiwasan ang ganitong insidente. RNT