Home OPINION TRANQUIL SALVADOR III: HIGIT PA SA ISANG MANANANGGOL

TRANQUIL SALVADOR III: HIGIT PA SA ISANG MANANANGGOL

MARAMING mukha ang tagumpay, subalit para kay Atty. Tranquil Gervacio Salvador III, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa mga premyo at parangal, kundi sa dedikasyon sa propesyon, paglilingkod sa bayan, at pagbabahagi ng kaalaman.

Kaya nga itong ‘IDOL’ ng bayan lalo na ng mga kumukuha pa lang ng abogasya, si Salvador III na isang abogado, edukador, at lider sibiko, ay isang halimbawa ng indibidwal na nagsusumikap na gamitin ang kanyang talento para sa ikabubuti ng lahat.

Sumikat si Atty. Tranquil, tawag sa kanya, sa naging mahalagang papel bilang tagapagsalita at miyembro ng depensa ni dating Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial nito.

Napakaraming kasong hinawakan ang abogadong ito isa sa kinikilalang alumnus ng Ateneo De Manila University kabilang ang tax evasion case ni Senatorial candidate Manny Pacquiao at graft and administrative cases laban kay former governor of Cebu Gwendolyn Garcia bukod pa sa mahahalagang kaso ng mga kilalang personalidad at korporasyon.

Hindi matatawaran ang ipinakitang husay sa larangan ng batas at malawak na karanasan itong si Salvador III na madalas matanong ng mga anchor at host ng iba’t ibang programa si Salvador III dahil aktibo rin ito sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa publiko. Bukod pa ito sa kanyang sariling programang legal na “Patakaran” sa Net 25 at “Legally Yours” sa Radyo Agila, na nagtataguyod ng legal na edukasyon para sa mga Pilipino.

Ang kanyang kontribusyon ay umaabot din sa akademya. Siya ay isang propesor sa iba’t ibang unibersidad at law centers sa Pilipinas, na nagtuturo at gumagabay sa mga susunod na henerasyon ng mga abogado. Bukod pa rito, siya ay isang may-akda ng aklat na “Criminal Procedure (annotated)” at “Footnotes,” isang koleksyon ng kanyang mga artikulo.

Ang kanyang kahusayan ay kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Isinama siya sa listahan ng Top 100 Lawyers in the Philippines ng Asia Business Law Journal noong 2021, 2022, at 2023. Kamakailan lamang, pinangalanan din siya ng Asian Legal Business sa Top 15 Litigators in Southeast Asia para sa 2024.

Si Atty. Tranquil Salvador III ay higit pa sa isang abogado. Siya ay isang lider, isang edukador, at isang halimbawa ng tagumpay na nakatuon sa paglilingkod at pagbabahagi. Ang kanyang kwento ay isang inspirasyon sa lahat na naghahangad na gumawa ng pagbabago sa mundo.