Home HOME BANNER STORY Suspensyon ng BARMM polls patuloy na pinag-aaralan ni PBBM

Suspensyon ng BARMM polls patuloy na pinag-aaralan ni PBBM

MANILA, Philippines – PATULOY na pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan na suspendihin ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.

“We’re still studying it. Some of the local officials are saying—because of the Supreme Court (SC) decision separating Sulu from BARMM — there are many implications in terms of changes that have to be made,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa lalawigan ng Pangasinan.

“There are seven districts in BARMM that used to be in Sulu. Now, they don’t have a congressman, they don’t have a province. There are also eight municipalities that have no district and no province, but won the plebiscite so they are part of the BARMM so we will create a new province,” aniya pa rin.

Ang paliwanag pa ng Pangulo, dahil sa pagkakahiwalay ng Sulu, kailangang baguhin ang BARMM laws upang kagyat na trabahuhin ng transition authority ang bagong sistema, bagong administrative code, bagong local government code, at bagong electoral code.

Sinabi pa niya na ang naging kautusan ng korte Supreme na ihiwalay ang Sulu mula sa BARMM ay may maraming “unintended consequences.”

Para sa Chief Executive, mabuti na plantsahin muna ang mga consequences bago pa magdaos ng eleksyon sa gitna ng mga hindi nalutas na mga isyu.

“It’s better to be right than to rush it and then just mess it up,” ang sinabi pa ng Pangulo.

Nauna rito, hiniling ng Commission on Elections (Comelec) sa Kongreso na gawin na bago matapos ang Disyembre ang pasya kung nais ng mga mambabatas na ipagpaliban na naman ang dapat sanang kauna-unahang BARMM na nakatakdang idaos sa Mayo 2025.

Ginawa ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang apela sa pagdinig ng Senate local government committee hearing nitong Huwebes, tungkol sa panukalang batas na iurong ang BARMM elections sa sa May 11, 2026 sa halip na sa May 12, 2025.

Isa lang po ang pakiusap ng Comelec, hindi po ito pressure sa ating Kongreso, pero ang katotohanan lang po, sana po ay may development kung matutuloy o hindi ang ating halalan sapagkat mag-i-imprenta ang Comelec ng balota sa huling linggo ng Disyembre,” paliwanag ni Garcia.

“Ibig sabihin po, ipa-finalize namin ang list of candidates, hopefully, before December 13 of this year,” dagdag niya.

Kasalukuyang isinasagawa ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga sasabak sa 2025 BARMM polls ngayong linggo na magtatapos sa November 9.

Habang walang batas na nagagawa ang Kongreso para iurong ang naturang halalan, sinabi ni Garcia na tuloy-tuloy ang gagawing paghahanda ng Comelec.

“Yun po ang timeline po talaga namin dito sa ganitong klase ng development more or less hanggang second week ng December, and this is not to put pressure with due respect to our Congress,” ayon kay Garcia.

“Hindi naman po namin pupuwedeng i-presume na maaring ito ay maaprubahan at maging batas, ang panukalang ito, kaya kailangan ituloy po namin, paliwanag niya.

Sa ambush interview, sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Senate local government committee, na target nilang maipasa ang batas bago matapos ang Nobyembre.

“Hopefully by end of November maipasa natin in line with Comelec deadline on the second [week] of December,” ani Ejercito.

Sa naturang pagdinig, sinuportahan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez ang pagpapaliban ng halalan bunga na rin ng desisyon ng Korte Suprema na hindi dapat isama sa autonomous region ang Sulu na tumutol batay sa resulta ng referendum.

Dahil sa posibleng “ramifications” mula sa peace agreements bunga ng SC decision sa Sulu, sinabi ni Galvez na nais ng OPAPRU  na magkaroon ng proper transition plan para sa lalawigan.

“The one year election reset is also the perfect time for the Bangsamoro Transition Authority (BTA) to refine existing Bangsamoro policies and codes in preparation for the election. Given that several Bangsamoro policies apply to the provinces of Sulu, the BTA must be accorded ample time to review and amend these as needed so that it will not be vulnerable again for challenge for its constitutionality before the Supreme Court,” paliwanag ni Galvez.

Binanggit na dahilan ni Galvez sa pagpapaliban ng halalan ng BARMM ang umano’y security threats dahil nasa proseso pa ng decommissioning ang mga dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at transformation ng Moro National Liberation Front (MNLF).

“By covering sizable amounts of small arms and light weapons during this process, we can decrease the threats from the use of loose firearms during the election period and guarantee that election-related violence is within reasonable control of the government,” paliwanag niya. Kris Jose