Home NATIONWIDE Sweden, malapit nang maging smoke-free

Sweden, malapit nang maging smoke-free

MANILA, Philippines- Malapit nang makamit ng Sweden ang smoke-free status, dahil sa dramatikong pagbaba ng naninigarilyo sanhi ng paglipat sa smokeless products, ayon sa news report.

Sinabi ng Public Health Agency ng Sweden na tanging 5.6% ng Swedish adults ang humihitit ng sigarilyo noong 2022, bumaba mula 49% ng mga kalalakihan noong 1960.

Dahil dito, malamang na maging kauna-unahang bansa ang Sweden para makamit ang smoke-free status, na mayroong smoking rate na mababa sa 5%.

Ang pagbaba ay iniuugnay sa pagtaas ng paggamit ng smokeless tobacco products gaya ng snus, oral nicotine pouches, at heated tobacco products. Ang ZYN, pinaka-popular na oral nicotine pouch sa Estados Unidos ay nagmula sa Sweden.

Ayon sa ulat na may titulong “No Smoke Less Harm” ng Stockholm-based advocacy group na Smoke Free Sweden, ang ‘combustible cigarettes’, hindi ang nikotina mismo, ang pangunahing dahilan ng smoking-related illnesses.

Habang malapit na sa quarter o sangkapat ng Swedish adults ang nananatiling gumagamit ng nikotina araw-araw, kahalintulad sa European average, ang Sweden ay mayroong mas mababang rate ng tobacco-related deaths (44% mas mababa) at cancer (41% mas mababa) kumpara sa natitirang bahagi ng European Union.

Sa mga kalalakihan, ang Sweden ay mayroong 52% na mas kaunti na tobacco-related male deaths kumpara sa Poland na 57% na mas kaunti kaysa sa Romania.

Para sa lung cancer, mas kaunti ang namamatay sa Sweden kaysa sa France, Germany, Italy, at Poland.

Sinabi ni Dr. Karl Fagerström, isang public health expert na nag-ambag sa ulat na “the Swedish experience underscores the importance of addressing public misconceptions about nicotine to develop health policies that better protect and inform consumers.”

“While nicotine is addictive, it does not cause the serious diseases associated with smoking,” ayon kay Dr. Fagerström sabay sabing, “Our findings support a shift in focus from cessation to substitution with less harmful alternatives for those unable to quit completely.”

Binigyang kredito ng ulat ang mababang rate ng smoking-related diseases sa preperensya ng Swedes para sa alternatibong smokeless products. Umaasa naman ang Smoke Free Sweden na ang ibang bansa ay susunod sa “Sweden’s lead and for policymakers to acknowledge the potential of THR, regulate nicotine products based on risk profiles, and encourage healthcare professionals to embrace THR.”

“Nicotine is addictive, but it doesn’t cause the serious diseases associated with smoking,” ang pahayag ni Dr. Fagerström.

“Our findings support a shift in focus from cessation to substitution with less harmful alternatives for those unable to quit completely,” dagdag na wika nito.

Kinilala naman ni Dr. Scott Gottlieb, dating komisyonado ng U.S. Food and Drug Administration, ang mga potensiyal na benepisyo ng smoke-free products.

“If we can convert more currently addicted adult smokers onto these modified risk products (ZYN nicotine pouches) that don’t have all the harms associated with combustion, we can achieve a substantial net public health benefit,” ayon kay Dr. Gottlieb sa kamakailan lamang na panayam sa kanya ng CNBC.

Ipinagpalagay naman ng Swedish report na ang mataas na paggamit ng nikotina ay hindi naman kinakailangan na mauwi sa mataas na rate ng problema sa kalusugan, nagmumungkahi na ang smokeless alternatives ay makapagdudulot ng mas mababang panganib sa kalusugan kaysa paninigarilyo.

Sinasabi pa na habang ang paninigarilyo ay iniuugnay sa mataas na rate ng pagkamatay at karamdaman, ang smokeless alternatives, gaya ng snus at oral nicotine pouches, ay hindi naman makapagdudulot ng kahalintulad na panganib sa kalusugan.

Samantala, ang Smoke Free Sweden ay isang kilusan na naghihikayat sa ibang bansa na sumunod sa pangunguna ng Sweden sa ‘tobacco harm reduction.’ Kris Jose