Home NATIONWIDE Taiwan passport holders may 14 days visa-free entry sa Pinas

Taiwan passport holders may 14 days visa-free entry sa Pinas

1
0

MANILA, Philippines – Maaaring pumasok sa Pilipinas nang walang visa sa loob ng 14 na araw ang mga may hawak ng Taiwan passport mula Hulyo 1, 2026 hanggang Hunyo 30, 2027, ayon sa Manila Economic and Culture Office (MECO).

Ayon sa MECO, ipinatutupad ang polisiya bilang kapalit ng visa-free privilege na ibinibigay ng Taiwan sa mga may hawak ng Philippine passport.

“This effectively extends the same privilege granted to Taiwan passport holders last year, on July 1, 2025. As such, this visa-free privilege is non-extendible and non-convertible to other Philippine visa categories,” ayon sa MECO.

Nilinaw ng ahensya na nananatiling umiiral ang mga standard travel requirements at proseso na ipinatupad noong Hulyo 1, 2025.

Ang mga Taiwan passport holder na planong manatili sa Pilipinas nang lampas sa 14 na araw ay kinakailangang kumuha muna ng visa bago pumasok sa bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here