Home OPINION TAMANG KAALAMAN TUNGKOL SA SORE EYES – NATIONAL CHILDREN HOSPITAL

TAMANG KAALAMAN TUNGKOL SA SORE EYES – NATIONAL CHILDREN HOSPITAL

71
0

KASABAY ng matinding sikat ng araw at nakapapasong init ng panahon sa bansa, hindi lang dehydration at heat stroke ang dapat nating bantayan. Tuwing sasapit ang summer season sa Pilipinas, mapapansin din ang mabilis na pagdami ng mga kaso ng conjunctivitis o ang mas kilala ng mga Filipino sa tawag na “sore eyes.”

Mula sa mga opisina, pa­ara­lan, hanggang sa loob ng ating sariling mga tahanan, ma­bilis na kumakalat ang sakit na ito. Upang bigyang-linaw ang tamang kaalaman tungkol sa sore eyes, nakapanayam natin sa prog­ramang “Health & Travel @ SErbisyo Publiko” sa DWBL 1242 kHz (at sa livestreaming nito sa Facebook at YouTube) si Dr. Beltran Alexis Aclan, isang Pediatric Ophthalmology and Strabismus specialist.

Si Dr. Aclan ay nagtapos ng kanyang Ophthalmology training sa DOH Eye Center sa East Ave­nue Medical Center at kasalukuyang aktibong consultant sa mga prestihiyosong institusyon tulad ng National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, at UERMMMC.

Narito ang mahahalagang ka­alaman, paalala, at paglilinaw batay sa mga pangunahing tanong ukol sa laganap na sakit na ito:

Bakit ba “Uso” ang Sore Eyes Tuwing Summer?

Ayon sa mga eksperto, hindi ang mismong init ng araw ang nagbibigay ng sore eyes, kundi ang mga kondisyon na dala ng tag-init.

Dahil tuyo ang paligid, mas maraming alikabok at polusyon sa hangin. Idagdag pa rito ang matinding pawis at ang madalas na pagpunta ng mga tao sa mga matataong lugar tulad ng mga swimming pool, beaches, at malls kung saan mas mabilis magpasa-pasa ang virus o bakterya.

Pag-unawa sa Sintomas at Paano ito Nakukuha

Ang conjunctivitis ay ang pa­mamaga ng conjunctiva o ang manipis at transparent na balat na nagtatakip sa puting bahagi ng ating mata.
Nakukuha ito kapag ang virus, bakterya, o allergens (tulad ng usok at alikabok) ay napunta sa mata.

Ang mga karaniwang sintomas na dapat bantayan ay:

Pamumula at pagluha ng mata

Pangangati, pagkahapdi, o pakiramdam na may puwing sa loob

Pagkakaroon ng muta (pwedeng madilaw o luntian kung may impeksyon)

Pagka-sensitibo sa liwanag

Nakakahawa ba ang Pagtitig?

Isa sa pinakamalaking ma­ling paniniwala (myth) sa Pilipinas ay ang tsismis na nakakahawa ang sore eyes sa pamamagitan lamang ng pagtitig o eye contact.

Fact: Hindi po ito totoo. Ang sore eyes ay hindi lumilipad sa pamamagitan ng tingin.

Ito ay nakakahawa sa pa­mamagitan ng direct contact.

Halimbawa, hinawakan ng may sakit ang kanyang mata, may naiwang vi­rus sa kanyang kamay, hinawakan niya ang doorknob o keyboard, at nahawakan naman ito ng isang malusog na tao na biglang nagkamot din ng kan­yang mata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here