Home NATIONWIDE Tapyas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

Tapyas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

MANILA, Philippines-Asahan na ng mga motorista ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

“There would be a rollback on the prices of petroleum products based on the four-day trading in the Mean of Platts Singapore,” pahayag ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.

Narito ang estimated price reductions:

  • Gasoline – P0.70 hanggang P0.95 kada litro

  • Diesel – P0.70 hanggang P0.95 kada litro

  • Kerosene – P0.80 hanggang P0.90 kada litro

“The current trend leans bearish due to the oil market expectations of plentiful supplies and weak demand,” ani Romero.

“Likewise, the Gaza Ceasefire Negotiation threatens to erode the geopolitical risk premium of crude and petroleum products,” dagdag niya.

Karaniwang inaanunsyo ng fuel firms ang price adjustments tuwing Lunes, saka ipatutupad pagsapit ng araw ng Martes. RNT/SA