Home NATIONWIDE Middle East conflict, walang direktang military threat sa Pilipinas – DND

Middle East conflict, walang direktang military threat sa Pilipinas – DND

176
0

MANILA, Philippines – PINAWI ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pangamba ng taumbayan na maaaring madamay ang Pilipinas sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa alyansa nito sa Estados Unidos.

Ang takot at pangamba aniya ay ‘walang basehan.’

“That is unfounded dahil hindi natin ma-ihahambing ang sitwasyon sa Middle East dito sa Pilipinas,” ang sinabi ni Teodoro sa isang panayam kasunod ng press conference ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Kalayaan Hall, Malakanyang.

Binigyang diin ni Teodoro na ang “bilateral at multilateral alliances’ ng PIlipinas ay “strictly for defensive and deterrent purposes.”

Idagdag pa na ang pagpapalakas sa alyansa ay pagdaragdag ng defensive posture ng bansa at malinaw na mali ang pagkakaintindi bilang pakikilahok sa mga panlabas na labanan.

“So, para ihambing ang sitwasyon sa Middle East dito sa Indo-Pacific,” ang sinabi pa rin ni Teodoro.

Nauna nang sinabi ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang inaasahang direktang banta sa teritoryo ng bansa, maging sa mga Pilipino at dayuhang naririto.

Gayunman, tiniyak ng DND at AFP na nakahanda silang tumugon sa anumang posibleng kaganapan, kabilang ang pagbibigay ng suporta sa paglikas at crisis response kung kakailanganin.

Mariin namang kinokondena ng DND ang pagpapalaganap ng takot sa mga ganitong pagkakataon, kasabay ng paghimok sa publiko na manatiling kalmado at maging mapagmatyag laban sa disinformation. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here