Home NATIONWIDE Teodoro nanawagan sa ASEAN na magkaisa sa gitna ng mga pagbabanta sa...

Teodoro nanawagan sa ASEAN na magkaisa sa gitna ng mga pagbabanta sa WPS

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaisa sa gitna ng nagpapatuloy na pagbabanta sa West Philippine Sea.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of National Defense (DND) na ginawa ni Teodoro ang panawagan sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) Retreat sa Penang, Malaysia.

“ASEAN has ensured the longest period of peace in any region since World War II. However, this peace is now under threat—not due to our incapacity to preserve it, but because of the absence of unanimity on key issues,” ang sinabi ng Kalihim.

Ani Teodoro, ang mga pagbabanta sa Philippine sovereignty, sovereign rights, at hurisdiksyon sa WPS ay hindi lamang domestic o regional concern, kundi isang “global issue” na makaaapekto sa ‘international stability.’

“The ASEAN needs to remain cohesive and proactive in upholding regional stability,” ayon kay Teodoro at maging ang ipagtanggol ang ‘international law and norms.’

Hinimok din ni Teodoro ang ASEAN na paigtingin ang operational cooperation sa pamamagitan ng pagpapalawig ng joint patrols, exercises, at intelligence-sharing para makabuo ng ‘trust’ sa hanay ng defense forces.

Nagbabala rin ang Kalihim laban sa external attempts na maghahasik ng pagkakahati sa loob ng Southeast Asia at pinayuhan ang mga member-states na ibasura ang external influences na nais lamang na wasakin ang rehiyon.

Para kay Teodoro, dapat na mapanatili ng ASEAN ang kalayaan at strategic autonomy.

Tinukoy naman ni Teodoro ang criminal activities na isang malaking banta sa rehiyon.

“We should resist coercion in whatever form and exchange information on foreign activities that are inimical to our national interests, such as online scams, trafficking in persons, illegal migration, which destroy the fabric of our respective societies,” ang winika ng Kalihim.

“We may not always agree, but the spirit of ASEAN compels us to cooperate where we can, consult where necessary, and act when we must,” dagdag niya. Kris Jose