Home METRO “The Devil and St. Michael, the Archangel”

“The Devil and St. Michael, the Archangel”

BINISITA ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ngayong All Souls Day ang Tugatog Public Cemetery upang makita ang sikat na “The Devil and St. Michael, the Archangel” statue, na ibinalik sa sementeryo para sa Undas 2024.

Inalis muna sa sementeryo ang estatwa na pag-aari ng Don Simeon Bernardo dahil sa isinasagawang redevelopment project sa lugar.

Ang Konseho ng Lungsod ng Malabon ay nagpasa ng isang ordinansa na nagdedeklara ng “The Devil and St. Michael the Archangel” na estatwa bilang isang local cultural property, na tinitiyak ang kahalagahan ng makasaysayang tanawin sa lungsod. Jojo Rabulan