Home METRO Tiis-ganda: Bebot kulong sa ‘di binayarang rebond sa salon

Tiis-ganda: Bebot kulong sa ‘di binayarang rebond sa salon

2
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 41-anyos na babae matapos umanong magpagawa ng hair treatment sa isang salon sa Tondo, Maynila at mabigong bayaran ang serbisyo.

Kinilala ng Manila Police District-Moriones Tondo Police Station ang suspek sa alyas na “Jailyn,” residente ng Barangay 117, Tondo.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon noong Hunyo 20 sa loob ng isang salon sa isang mall sa kahabaan ng Dagupan Street.

Lumabas sa imbestigasyon na nagtatanong muna ang babae tungkol sa mga serbisyong iniaalok ng salon bago pumayag na sumailalim sa hair treatment.

Matapos makumpleto ang serbisyo, nadiskubre umano ng mga empleyado ng salon na wala siyang pambayad sa nagawang treatment.

Dinala ang suspek sa security office ng mall bago isinuko sa mga tauhan ng Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station.

Isinailalim muna siya sa physical examination sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center bago dinala sa himpilan para sa imbestigasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here