Home METRO Tindahan ng vape products sinalakay

Tindahan ng vape products sinalakay

MANILA, Philippines- Sinalakay ng mga operatiba ng Department of Trade and Industry Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) at Philippine National Police ang tindahan na nagbebenta ng ipinagbabawal na Flava vape products malapit sa Baclaran Elemenetary School sa Paranaque City noong Miyerkules.

Sinabi ni DTI-FTEB Director Fhilip Sawali na 452 boxes ng illegal vape products ang nasamsam na tinatayang nagkakahalaga ng halos P25 milyon.

Matatagpuan ang tindahan sa layong 20 metro mula sa naturang eskwelahan, na sinalakay dahil sa paglabag sa Republic Act No.11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022.

Inatasan din ng FTEB ang suspensyon ng pagbebenta, paggawa, import at distribusyon ng Flava Corporations vape products noong Marso 15 na binanggit ang naturang paglabag.

Ipinag-utosĀ  ni Trade and Industry Secretary Fred Pascual sa mga tauhan ng FTEB na alisin ang non-compliant products sa merkado, na binanggit ang pangako ng DTI upang suportahan ang legitimate business at siniguro ang kaligtasan ng konsyumer.

Naglabas din si Pascual ng mahigpit na babala sa manufactrers, importers, distributors at retailers laban sa pagkakasangkot sa ilegal na gawain sa pagkakalakal ng mga ipinagbabawal na vape at iba pang mga produktong lumalabag.

Sa operasyon noong Abril 24, natuklasan ng mga awtoridad na ang tindahan ay gumagamit ng isang milk tea shop bilang pronta sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na produkto ng vape. Jocelyn Tabangcura-Domenden