Home METRO Tinedyer na nagbanta, nanutok ng baril kulong sa Navotas

Tinedyer na nagbanta, nanutok ng baril kulong sa Navotas

89
0

MANILA, Philippines – KULUNGAN ang kinasadlakan ng 19-anyos na teenager nang pagbantaan at tutukan ng baril ang isang kelot sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela, mahaharap sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act) ang suspek na residente ng Brgy., NBBN.

Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Col. Pinuela na nilapitan ng suspek ang biktimang si alyas “Erne” bago pinagbantaan sa hindi pa malaman na dahilan sa Barangay NBBS Proper.

Kasunod nito, bumunot ng baril ang suspek at tinutukan ang biktima na sa takot sa kanyang kaligtasan ay nagtatakbo hanggang makahingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Patrol Base 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .22 revolver na kargado ng tatlong bala at nang hanapan siya ng kaukulang dokumento hinggil sa ligaledad nito ay wala siyang naipakita. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here