MANILA, Philippines – Sisingilin na ang mga motoristang gagamit ng Manila Cavite Expressway (CAVITEX) C5 Link Segment 3B simula Mayo 5, 2026.
Sa abiso, pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), na kumolekta ng bayad.
Ito ay matapos na payagan ang mga motoristang dumaan nang libre sa buong buwan ng Abril.
Ang bagong toll rates ay:
Dr. A. Santos Ave. (Sucat) patungo at mula Taguig (C5)
Class 1 – P59.00
Class 2 – P117.00
Class 3 – P176.00
Samantala, ang mga manggagaling ng Taguig at patungong Roxas Boulevard o Zapote, ang toll rates ay magiging P97 para sa Class 1, P194 para sa Class 2, at P291 para sa Class 3 vehicles.
Kinokonekta ng Segment 3B ng CAVITEX C5 Link ang buong 7.7-kilometer CAVITEX C5 Link patungo at mula R1 Expressway (Coastal Road), Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road), at C.P. Garcia Avenue (C5 Road).
Mababawasan ng bagong segment ang oras ng biyahe mula Parañaque to Taguig/C5 ng nasa 15 minuto mula sa dating isa hanggang isa’t kalahating oras.
“Since the opening of Segment 3B on March 30, 2026, it has provided free passage to around 9,000 motorists daily,” ayon sa TRB. RNT/JGC