Bulacan – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Additional Most Wanted Person (MWP) Top 1 sa Municipal Level sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Norzagaray nitong Mayo 1.
Sa ulat ni PMAJ Demosthenes Desiderio Jr, OIC ng Norzagaray police station, kinilala ang akusado na isang 20 anyos na construction worker, residente ng Brgy. Tigbe.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng tracker team ng istasyon bandang gabi sa Guballa Compound, Brgy. Tigbe.
Nabatid na ang WOA sa kasong Statutory Rape ay inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 80, Malolos noong Abril 24, 2026 na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray custodial facility ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Dick Mirasol III