TINGNAN: Pormal na nanumpa si Gobernadora Marisol “Sol” Aragones bilang gobernador ng Laguna sa harap ni Quezon Governor Helen Tan noong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, sa ginanap na seremonya sa Laguna Capitol Cultural Center sa Sta. Cruz, Laguna.
(via Cesar Morales)
Sa kanyang talumpati, muling tiniyak ni Aragones ang kanyang paninindigang itaguyod ang serbisyong makatao, tapat at may malasakit, at ang pagtutok sa mga proyektong pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan para sa bawat Lagunense. RNT