Nag-alay ng bulaklak ang Israeli Minister of Economy Nir Barkat, Israel Ambassador Ian Fluss, at Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola-Rau sa Philippine-Israel Friendship Park na matatagpuan sa Quezon Memorial Circle.

Bilang pagkilala sa matibay na ugnayan ng Pilipinas at Israel na lalong pinatibay sa tulong ni Pangulong Manuel Quezon sa mahigit 1,000 Hudyo noong Holocaust, ginawaran ni Mayor Joy Belmonte si Hon. Barkat ng “Key to the City.”








