Home IN PHOTOS TINGNAN: Police Colonel Poklay, pinarangalan sa street name signage

TINGNAN: Police Colonel Poklay, pinarangalan sa street name signage

Noong Enero 23, 2025, alas-4:00 ng hapon, sa pamamagitan ng mga hakbangin ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD), isang seremonyal na kaganapan ang isinagawa sa TPPO grounds, Camp General Francisco S Macabulos, Brgy. San Vicente, Tarlac City na isanabit ang street name signage bilang parangal kay POLICE COLONEL DAVID N POKLAY, dating 38th Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office. Ang kaganapan ay naglalayong kilalanin at ipagdiwang ang mga kontribusyon ng PCOL POKLAY sa komunidad at pagpapatupad ng batas. VAL LEONARDO