MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Senator Raffy Tulfo ang Committee on Migrant Workers para talakayin ang mas mahigpit na monitoring mechanisms na kinabibilangan ng penal sanction at preventive measures para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi ni Tulfo na binisita niya ang mga OFW at personal niyang binabantayan ang mga shelter at opisina ng Department of Migrant Workers sa Gitnang Silangan. Inihain ni Tulfo ang Senate Resolution No. 1086 upang magtatag ng mga hakbang sa pagmamanman para sa mga OFW. Cesar Morales